top of page
Writer's pictureJethro Bruce Andal

Iba't Ibang Uri ng Solar

Updated: Jun 24, 2020



May tatlong iba't ibang uri ng solar depende sa kung paano ito nagooperate. Iba't ibang mga bagay ang dapat ikonsidera sa pagdedesign at pagiinstall sa bawat isa kaya mahalagang malaman muna kung anu-ano ang mga ito at ang kanilang mga pagkakaiba.


On-grid

  • Ang on-grid ay tumutukoy sa solar na nakakabit "in parallel" sa Meralco. Ibig sabihin, ang isang bahay na may on-grid na solar ay mayroon nang dalawang source ng kanilang kuryente: Meralco at solar. Kung may araw at nagpoproduce ng kuryente ang solar, ito ang gagamiting kuryente ng mga appliances sa loob ng bahay. Kung kulang naman ang kuryente na galing sa solar, saka lang kukuha ng kuryente mula sa Meralco. May mga pagkakataon naman na maaaring mas madami ang pinoproduce na kuryente ng solar kesa sa kailangan ng buong bahay. Kung ganito, ang sobrang kuryente galing sa solar ay ibebenta sa Meralco at didiretso palabas ng ating linya ng kuryente kung ang bahay ay mayroon ng net metering.

  • Ang on-grid na solar ay nagsisilbi lamang na pangbawas sa konsumo ng buong bahay dahil sa umaga lang ito nakakapagsupply ng kuryente at hinde sa gabi. Hinde rin adviseable na magdesign ng solar na magpoproduce ng mas maraming kuryente sa tanghali kesa sa konsumo ng buong bahay sa parehas na oras dahil ang sobrang kuryente ay binibili lamang ng Meralco sa halaga na kaparehas ng kanilang generation charge na halos kalahati lamang ng normal na presyo ng kuryente mula sa kanila.

  • Ang on-grid na solar ay mas simple, at dito, hinde mo na kailangan pang alalahanin kung sapat ba ang kaya nyang iproduce na kuryente dahil maaari namang kumuha sa Meralco kung kulang. Pero, para maging epektibo, kailangan pang magapply ng net metering sa Meralco, na nagdudulot ng karagdagang gastos. Pwede din naman na gumamit ng inverter na may zero export capability. Ibig sabihin lang nito, kung sobra ang kuryenteng pinoproduce ng solar kumpara sa konsumo ng bahay, babawasan ng inverter ang pinoproduce na kuryente ng solar para sumakto lang at wala nang kuryente ang makakalabas pa ng linya ng bahay. Magandang solusyon din ito, pero nasasayang ang ilang bahagi ng pinoporoduce na kuryente ng solar.

Off-grid

  • Ang off-grid na solar ay may battery at maaaring magoperate magisa kahit hinde nakakunekta sa Meralco. Ang mga solar panel ay nagpoproduce ng kuryente para icharge ang mga battery na siya namang pinagkukunan ng kuryente ng mga appliances sa bahay.

  • Ang off-grid na solar ay mas komplikado kesa sa on-grid dahil sa karagdagang mga battery. Kailangan mo ding laging bantayan kung gaano kadami ang charge ng mga battery mo dahil baka magkulang ito para sa mga ginagamit mong mga appliances.

  • Ang mga battery ay nangangailangan din ng mas matinding maintenance dahil maari itong pagmulan ng short-circuit at iba pang aksidente.

  • Kung gagamit ka ng off-grid na solar para maging supply ng kuryente sa isang bahay, kailangan itong i-oversize para manatiling sapat ang supply ng kuryente kahit sa mga panahon ng bagyo o kung kailan mahina ang sikat ng araw.


Hybrid

  • Ang hybrid na solar ay tumutukoy sa uri ng solar na nakakabit "in parallel" sa Meralco kagaya ng on-grid na solar, at mayron ding battery kagaya ng off-grid na solar.

  • Nag-ooperate ang hybrid na solar kagaya din ng on-grid. And pagkakaiba lang, ang hybrid na solar ay may battery na maaaring gamitin kung brownout o kung kailan kailangan.

 

Engr. Jet Andal has 6 years of experience in the design and installation of residential, commercial and utility-scale solar PV systems. Together, and with the use of solar energy, let us help make the world a better place. You can click here to read all of our other blogs. For aspiring solar PV engineers, you can also check out his Solar PV Engineering Ebook on Amazon on this link.

Comments


bottom of page